Mas Sumisigla pa ang Kultura sa New South Wales sa Bagong $500,000 na Pondo para sa mga Multikultural na Pagdiriwang

Upang lalo pang mapagtibay ang pagkakaisa ng mga komunidad sa NSW, inilunsad ng pamahalaan ang $500,000 pondo para sa mga pista at kaganapan na nagdiriwang ng kultura at tradisyon ng iba’t ibang lahi sa ilalim ng Stronger Together Festival and Event Grants Program.

Ang multikulturalismo ay isa sa mga matibay na haligi ng estado. Sa mga bayan at lungsod ng NSW, ang mga pagdiriwang at pagtitipon ng komunidad ang nagbibigay-buhay sa araw-araw na pamumuhay.

Matagal nang sinusuportahan ng NSW Government ang pagkakaiba-iba ng kultura at ang pagkakaisa ng mga komunidad. Ang bagong pondo para sa programang ito ay patunay ng patuloy na layunin ng pamahalaan na palakasin ang inklusibong komunidad sa estado.

Sinabi ng NSW Minister for Multiculturalism na “These events highlight the richness of cultures that make NSW such a vibrant and welcoming place. They’re a chance for communities to connect, share traditions, and build a stronger sense of unity and belonging across the state.” (Itong mga kaganapan ay nagpapakita ng kayamanan ng mga kultura na nagbibigay sa NSW ng kakaibang sigla at pagiging magiliw. Isa itong pagkakataon para sa mga komunidad na magtagpo, magbahagi ng tradisyon, at palakasin ang diwa ng pagkakaisa at pakikilahok sa buong estado.)

Para sa mga pagdiriwang mula Abril hanggang Setyembre 2026

Ang bagong round ng mga grant ay nakalaan para sa mga kaganapang gaganapin mula 1 Abril hanggang 30 Setyembre 2026, na may pondong $5,000 hanggang $20,000 bawat proyekto.

Sa iba’t ibang panig ng NSW, tinutulungan ng mga grant ang mga organisasyong nag-oorganisa ng mga pista, konsiyerto, art exhibit, at iba pang pagtitipon ng komunidad. Ang mga ganitong kaganapan ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao mula sa iba’t ibang pinagmulan na magkasamang ipagdiwang ang mayamang kultura ng estado.

Vibrant festival lights with blurred background highlighting community celebrations in NSW, Australia.

Ilang proyekto mula sa unang round

Ang unang yugto ng Stronger Together program ay naghatid ng mga proyektong nagbigay inspirasyon sa maraming komunidad, kabilang ang:

  • Newcastle – Ang Streets That They Built ay gumawa ng maikling pelikula tungkol sa mga pamilyang Grego, Italiano, at Asyano na nagbahagi ng kanilang karanasan sa migrasyon at kontribusyon sa pag-unlad ng Hamilton. Ipinakita ito sa City of Newcastle’s Global Gathering sa tulong ng Newcastle Museum.
  • Western Sydney – Pinagsama-sama ng Multicultural Communities World Cup Football Tournament and Community Celebration ang mahigit 20 magkakaibang kultura sa Rydalmere Park. Inorganisa ng African Australian Football Association (AAFA), tampok dito ang mga football match, pagtatanghal ng kultura, palabas ng kabataan, at mga aktibidad na nagsusulong ng pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kultura.
  • Dubbo – Sa Cross Cultural Carnivale ng ORISCON, ipinagdiwang ang musika, sayaw, pagkain, at sining mula sa iba’t ibang tradisyon. Tampok ang live performances, children’s activities, at mga food stall na nagpatibay ng ugnayan sa komunidad.
  • Griffith – Sa Multicultural Festival na inorganisa ng Multicultural Council of Griffith Inc., nagtipon ang mga residente sa Memorial Park para sa isang araw ng kasiyahan at pagkakaunawaan. Tampok dito ang mga pagtatanghal, pagkain mula sa iba’t ibang bansa, at mga aktibidad para sa kabataan.

Pagpapalakas sa turismo at kabuhayan

Sinabi rin ng minister na “Many regional festivals have also drawn visitors from outside the area, boosting local tourism and helping to create jobs.” (Marami ring mga pagdiriwang sa rehiyon ang nakakaakit ng mga bisita mula sa labas, na nakatutulong sa lokal na turismo at nagbibigay ng dagdag na kabuhayan.)

Dagdag pa niya, “The NSW Government acknowledges the importance of our state’s multiculturalism, and this program will go far in sharing cultures and traditions with communities across NSW.” (Kinikilala ng NSW Government ang kahalagahan ng multikulturalismo sa estado, at malaking tulong ang programang ito sa pagpapalaganap ng mga kultura at tradisyon sa buong NSW.)

Epekto sa mga lokal na komunidad

Para kay Carmel La Rocca, tagapag-organisa ng Griffith Multicultural Festival, malaking tulong ang grant na kanilang natanggap. Ayon sa kanya, “We’re really grateful for the Stronger Together grant. It helped us run a vibrant and inclusive festival that brought our community together and showcased the richness of our cultural diversity.” (Lubos kaming nagpapasalamat sa Stronger Together grant. Nakatulong ito para maisagawa namin ang isang masigla at bukas na pagdiriwang na nagtipon sa aming komunidad at nagpakita ng yaman ng aming kultura.)

Dagdag pa ni La Rocca, “The turnout was huge this year. The park stayed full all day, and the feedback was incredibly positive. Each year the festival grows, and the grant has really supported us in making that happen.” (Napakarami ng dumalo ngayong taon. Puno ang parke buong araw at napakaganda ng mga feedback. Taon-taon ay lumalaki ang pagdiriwang, at malaking tulong ang grant para magpatuloy ito.)

Ayon pa sa kanya, “It’s made a real difference in how people connect. We’ve seen more openness, more curiosity, and a genuine appreciation for each other’s cultures.” (Malaki ang naging pagbabago sa kung paano nag-uugnayan ang mga tao. Mas bukas na ngayon ang isipan, mas interesado, at mas may pagpapahalaga sa kultura ng iba.)

Para sa karagdagang impormasyon

Ang Stronger Together grants ay ipinamamahagi sa pamamagitan ng Multicultural NSW. Para sa karagdagang detalye o para mag-apply, bisitahin ang:
🔗 https://multicultural.nsw.gov.au/stronger-together-events-festivals/

You may also like...

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *